August 22, 2012

For the record

(First published online on May 11, 2008)

Inabot ako ng kalahating oras para pag-isipan kung ano ang lengwaheng gagamitin ko sa pag-sulat ng salaysay na ito. Subalit napagtanto ko na ang filipino ay mas makaaabot sa puso ng gusto kong pag-alayan nito.

Kahit kailan sa buhay ko, mukhang masasabi ko na hindi pa ako nagagalit. Ni wala nga sa bokabularyo ko ang salita na iyun eh, pero tao lamang ako at hindi ko maiiwasan ang magtampo. Dumarating sa panahon na kailangang tunguhin ang masalimoot na daan upang tunay na masubukan ang sinasabing pagkakaibigan. Nabanggit minsan ng aking propesor na kapag kayo ay hindi nagkakatampuhan ng iyong kaibigan ay hindi niyo masusubok ang tatag ng inyong pinagsasamahan. Kaya naman, buong puso ay nagpapasalamat ako dahil kung titignan ko ang tampuhang nadarama ko sa postibong pananaw, ito ay isa lamang pagsubok na kailangan pagdaanan.

Ngayon ay isang bagong tao ang parang nakausap ko sapamamagitan ng aking selepono. Hindi ko sinisiryoso ang mga pagtatalo na gumagamit ng isang medium dahil naniniwala ako sa kasagraduhan ng komunikasyon. Subalit kaninang hapon, sa pagnanais kong ipaalam sa aking mga kagrupo ang isang aspeto na mahalaga talaga sa institusyon namin ay isang maling konotasyon ang sumagot sa akin. Wala sa pag-iisip ko na iyun ay may maling dating sa iba kong mga kasama ngunit sadyang iba-iba nga ang tao.

Sa totoo lang isang pagsubok o paghamon sa kakayanan at katatagan ang ginawa ko kanina. Hindi iyun simpleng paninira na ang iba ay walang nagagawa. Bahagyang lumaki ang pagtatalo at inaamin ko, nasaktan ako dahil hindi naman kailangan ng iba na malaman pa kung anong pinagtatalunan namin. Sa bandang huli, isa lamang daw biro ang lahat. Madaling magsalita ngunit sana ay alam natin kung ano ang magiging kalalabasan ng ating mga sasabihin. Bago ko ginawa iyung pinaka-una kong mensahe sa lahat ay pinag-isipan ko muna ito. Sa totoo lang ay kanina pang umaga nakahanda ang mensahe na iyun subalit hapon ko na lang ito napasa. Ito ay dahil sobra kong pinag-iisipan ang magiging kinalabasan nito. Siguro kung babalikan ang mga oras ay masasabi kong may mali rin ako kaya naman humihingi ako ng paumanhin.

Magkaibigan tayo at walang magbabago. Tulad ng nabanggit ko sa iyo nung isang gabi ay hindi kita kayang ilaglag. Mensahe mo lang naman ang hinihintay ko at sapat na iyung paghingi mo ng tawad para mapawi ang aking tampo. Masyado pa akong bata at kayo ang aking mga Superior. Kahit kailan, di ko magagawang magalit sa mga taong itinuturing kong 'bloodline' ng institusyon namin. Kung wala kayo, wala rin malamang kami at ayokong mayroong mabago sa kung ano man ang pinagsasamahan natin.

So for the record, NO HARM DONE

No comments:

Post a Comment