Last Sunday, I walked my way home from Vito Cruz and noticed the simple things
that gave life to my surroundings.
May dalawang babaeng nagku-kwentuhan ng sa tingin ko ay
tunkol sa mga isyu sa paaralan. Hindi naman sinasadyang narinig ko ang sinabi
ng isa na traydor daw si Miss Infiesto. Kung hindi lang ako nagmamadaling umuwi
ay makikinig sana ako sa buong usapan nila. I wonder why she had said
that. By the way, Ma’am Infiesto was my former Filipino teacher in Araullo High
kaya naman na-curious talaga ako.
Sa paglalakad ko pa ay narinig ko naman ang pag-aaway ng
mag-asawa. Nagtatalo sila dahil daw umano sa kabit ng babae na patuloy naming
pinabubulaanan ng babae. Wala namang physical contact sa away nila kaso nga
lang maririnig mo talaga ang malutong nilang murahan.
Mayroon namang magba-barkada na akala mo ay sa Glorietta
pupunta dahil sa pagiging OA nila pagdating sa porma kahit pa nakaupo lang
naman sila sa bangketa. Mayroon din namang mga lalaking nag-iinuman at malakas
na nagtatawanan na akala mo ay magkakalayo kung mag-usap dahil ang buong
pagyayabangan nila ay maririnig na ng buong bayan.
Mayroon din namang mga nanay na nakatanghod sa isang sulok
na sa tingin ko ay nagtsi-tsismisan. Nakakatuwa silang tignan at kung pwede nga
lang ay lalapitan ko sila para tanungin kung kaninong buhay na naman ang
sinisira nila. Mayroon din namang mga matitinong taona patuloy pa rin sa
pagta-trabaho para makapamuhay sa araw-araw.
Ang pinakanakakatuwa sa lahat ay ang isang batang
nagbibisikleta na nung Makita ako ay biglang sumigaw ng “AdU bulok”. Nang mga
oras na iyon kasi ay naka-AdU shirt ako, syempre to
promote Adamson University at nang marinig ko ang bata ay natuwa
na lang ako. Alam ko kasing hindi niya pinag-iisipan ang nasabi niya dahil kung
bulok ang unibersidad ko ay ano pang masasabi niya sa ibang mga colleges and
universities na kinokondena dito sa Metro Manila, super bulok to the highest
level?! At bilang nag-iisang University sa Pilipinas na may Greek roots,
maipagmamalaki din naman ang facilities and the kind of education that we have.
Kaya nga kahit saan ay magagawa kong ipaglaban ang AdU eh.
Sa totoo lang, hilig ko rin ang paglalakad. Hindi lang kapag
wala na akong pamasahe kundi lalo na kapag marami akong iniisip dahil marami
akong napagtatanto kapag naglalakad. Like this time, na-realize ko iyung
maliliit na bagay na nagbibigay kulay sa kapaligiran ng Metro, Manila.
Mapa-mali o mapa-tama, kapag kinalakihan mo na ay mami-miss mong talaga.
The bigger thing that I’ve realized this time was that if we
are to analyze first and solve the small wrong deeds happening in our
surroundings then maybe we can look for a better solution to the nation’s
problem. Sabi nga, magsimula tayo sa maliliit na bagay bago tumalon sa mas
malalaking problema sa lipunan.
The
truth is by walking last Sunday, hindi ko nasagot ang mga tanong ko sa sarili
but I have contributed a lot for the nation through this blog. Kung mababasa
nga lang sana nila ito noh? Oh well.
No comments:
Post a Comment