Masakit
ang magkaroon ng boses subalit hindi naman pinakikinggan ng iba. Masakit ang
magpakahirap lalo na kung wala namang nakaka-appreciate ng mga ginagawa mo.
Masakit isipin na ang mga tao sa paligid mo ay malalaman mong wala palang
paki-alam sa iyo. Masarap sa una nginit kung iisipin mong mabuti, masakit
marinig na sasabihin sa iyong gawin mo na lahat ng gusto mong gawin sa buhay
mo, basta't huwag mo lang kaming ipapahiya sa iba. Tanong ko lang sa sarili:
ano naman kung minsan ay madamay sila sa nagawa kong pagkakamali at masaktan o
mapahiya, hindi na ba sila muling makatatayo sa sarili nilang mga paa?
Pinatunayan lang dito na hanggang ngayon, wala pa rin silang tiwala sa
kakayahan ko.
Mahirap
din ang magtiwala sa lahat ng mga tao sa paligid mo. Minsan kasi iyun nang mga
inakala mong kaibigan mo ay magagawa pa palang talikuran at hamakin ka kapag
hindi ka na nakaharap sa kanila. Masakit na dahil nakilala ka nilang masayahin,
ang akala nila, lahat ng biro ay pwede na. Hindi na nila iniisip na minsan,
kahit biro ay nakakasakit na. Masakit rin na dahil nakakabit na sila sa
pinaniniwalaan nilang maganda kahit hindi naman talaga matino sa iba, ay hindi
na nila matanggap na pakinggan ang ideya ko kahit na ang iniisip ko lang naman
ay para sa kabutihan ng lahat. Isa rin itong pagpapatunay na kahit binibigay mo
na ang lahat ng makakaya mo, hindi pa rin sila tuluyang nagtitiwala sa iyo.
At
ang pinag-iisipan ko sa ngayon; just like in the quote: it's when you don't
know where you stand in a person’s life, it's when you're hanging in dead air
and knowing you can be thrown off anytime. It's when you're like more than
friends but not really, and it's like you're lovers when it's really otherwise.
Sometimes I would want to wish to have never met that person at all but at the
back of my mind, I'm thankful I had.
Ang
sarap minsan sumigaw at sumuntok na lang sa pader dahil baka sa ganoong paraan,
matakpan ng sakit na pisikal ang nararamdaman ko sa emotional. Minsan, ang
sarap ring matulog na lang ng mahimbing upang takasan ang kung ano man itong
mga nararamdaman ko dahil panigurado akong sa pagtulog, mananaginip ako ng
isang mundong sariling akin na kung saan kaya kong gawin lahat ng mga iniisip
ko. Mundong panigurado akong magiging masaya ako dahil malamang doon, kasama ko
na ang natatanging babae na minahal ko ng sobra subalit sa realidad ay hindi ko
talaga pwedeng mahalin.
Ganun
pa man, sa babae na mahal ko, malalaman mo rin ang pag-ibig na inilaan ko para
sa iyo. Sa ngayon, ang tanging hiling ko lang ay maging masaya ka dahil hindi
ko kayang masilayan ka na may lungkot na nadarama.
Sa inyong mga bumabasa nito, malamang natatawa na
kayo sa kababawan ng mga problemang iniisip ko subalit subukan mong lumagay sa
posisyon ko, maiintindihan mong ang buhay ay hindi talaga isang malaking biro.
No comments:
Post a Comment