Inabot ako ng kalahating oras
para pag-isipan kung ano ang lengwaheng gagamitin ko sa pag-sulat ng salaysay
na ito. Subalit napagtanto ko na ang filipino ay mas makaaabot sa puso ng gusto
kong pag-alayan nito.
Kahit kailan sa buhay ko, mukhang
masasabi ko na hindi pa ako nagagalit. Ni wala nga sa bokabularyo ko ang salita
na iyun eh, pero tao lamang ako at hindi ko maiiwasan ang magtampo. Dumarating
sa panahon na kailangang tunguhin ang masalimoot na daan upang tunay na
masubukan ang sinasabing pagkakaibigan. Nabanggit minsan ng aking propesor na
kapag kayo ay hindi nagkakatampuhan ng iyong kaibigan ay hindi niyo masusubok
ang tatag ng inyong pinagsasamahan. Kaya naman, buong puso ay nagpapasalamat
ako dahil kung titignan ko ang tampuhang nadarama ko sa postibong pananaw, ito
ay isa lamang pagsubok na kailangan pagdaanan.
Ngayon ay isang bagong tao ang
parang nakausap ko sapamamagitan ng aking selepono. Hindi ko sinisiryoso ang
mga pagtatalo na gumagamit ng isang medium dahil naniniwala ako sa kasagraduhan
ng komunikasyon. Subalit kaninang hapon, sa pagnanais kong ipaalam sa aking mga
kagrupo ang isang aspeto na mahalaga talaga sa institusyon namin ay isang
maling konotasyon ang sumagot sa akin. Wala sa pag-iisip ko na iyun ay may
maling dating sa iba kong mga kasama ngunit sadyang iba-iba nga ang tao.
Sa totoo lang isang pagsubok o
paghamon sa kakayanan at katatagan ang ginawa ko kanina. Hindi iyun simpleng
paninira na ang iba ay walang nagagawa. Bahagyang lumaki ang pagtatalo at
inaamin ko, nasaktan ako dahil hindi naman kailangan ng iba na malaman pa kung
anong pinagtatalunan namin. Sa bandang huli, isa lamang daw biro ang lahat.
Madaling magsalita ngunit sana ay alam natin kung ano ang magiging kalalabasan
ng ating mga sasabihin. Bago ko ginawa iyung pinaka-una kong mensahe sa lahat
ay pinag-isipan ko muna ito. Sa totoo lang ay kanina pang umaga nakahanda ang
mensahe na iyun subalit hapon ko na lang ito napasa. Ito ay dahil sobra kong
pinag-iisipan ang magiging kinalabasan nito. Siguro kung babalikan ang mga oras
ay masasabi kong may mali rin ako kaya naman humihingi ako ng paumanhin.
Magkaibigan tayo at walang
magbabago. Tulad ng nabanggit ko sa iyo nung isang gabi ay hindi kita kayang
ilaglag. Mensahe mo lang naman ang hinihintay ko at sapat na iyung
paghingi mo ng tawad para mapawi ang aking tampo. Masyado pa akong bata at kayo
ang aking mga Superior. Kahit kailan, di ko magagawang magalit sa mga taong
itinuturing kong 'bloodline' ng institusyon namin. Kung wala kayo, wala rin
malamang kami at ayokong mayroong mabago sa kung ano man ang pinagsasamahan
natin.
So
for the record, NO HARM DONE
No comments:
Post a Comment