August 22, 2012

Immaturity

(First published online on June 7, 2008)

Sabi sa akin, kapag may pumasok na ideya sa isip mo, isulat mo agad dahil mabilis lang yan mawawala. Kaya naman ito, iba-blog ko na lang siya.

Kaninang umaga isang masamang balita ang bumulaga sa akin, patay na raw si Daboy, hehehehe. As if I care, sabi ko sa mama ko pero nang manuod ako sa tv at buksan ko ang radyo, grabe at sobra nilang binibigyan ng atensyon si Rudy Fernandez. By the way, bakit nga ba pinag-aaksayahan ko rin siya ng panahon. Hehehehe.

Kidding aside, wala iyung kay daboy ha, hindi niya ako fan, gusto ko lang talagang simulan ang blog ko na ito ng nagpapatawa kasi malamang, dito na magsimula ang lahat ng pagbabago sa buhay ko.

I can consider this day as one of the bad days in my life. May dalawang bagay kasi na nawala sa akin kahit sa totoo lang ay hindi pa naman sila napapasakin. Iyung una, medyo madali lang kalimutan dahil hindi naman siya ganoong malapit sa akin eh.

Pero iyung isa, ewan ko talaga. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako or sobrang malulungkot dahil sa totoo lang, hanggang ngayon ay magulo pa rin ang isip ko. Kahit nga pagbuo ng mga sentences sa blog na ito ay nahihirapan ako dahil hindi ko talaga alam kung paano magsisimula. Ang masakit pa doon ay nangyayari ito dahil sa pagiging immature ko. Bakit nga ba ako naging ganito? Ang dakilang sagot ay DAHIL SA IYO.

Minsan tumatawa na lang ako pero deep inside, sobrang dumudugo na ang puso ko. Tumatawa ako kasi hindi ko alam kung paanong magre-react sa mga nalaman ko. May hiningi akong sagot at isa iyun sa mga naging dahilan kung bakit nasaktan ako. Sa totoo lang, hindi ko pala kayang harapin iyung sagot na hinihintay kong manggagaling sa iyo. Minsan, nagkukunwari na lang pala akong matatag dahil sa pride ko na ayokong nalalaman nila na ordinaryong tao rin pala ako at nasasaktan.

Final message: I would definitely move on. The damage has already been done and buti na lang madadalian akong gawin iyon dahil paniguradong magiging busy na ako sa mga darating na araw. Kakalimutan ko na ang talagang nararamdaman ko sa iyo tulad nang dating ginawa ko. Masakit pero ganyan talaga ang buhay dapat lang na minsan marunong kang masaktan at bumangong muli upang malaman mong sa mundo, marami pang nakalaang bagay para sa iyo. 

"SORRY at hanggang dito na lang pero, tandaan mong lagi lang akong nandito."

No comments:

Post a Comment