August 22, 2012

Kaibigan

(First published online on October 14, 2008)

Minsan, may nagtanong sa akin kung ano ba ang kaibigan? Sinagot ko siya ng buong lakas na ang kaibigan para sa akin ay iyung someone na makakatulong sa oras na kailangan ko.

Last Saturday, may naikwento sa akin ang isa kong kaibigan. May kilala daw siyang lalaki at lubos niya itong pinahahalagahan. Dahil sa kagagaling lang nito sa isang break-up ay dinala niya ito sa isang lugar na kung saan marami siyang makikilala upang maging bagong kaibigan.

Doon ay may nakilala siyang babae at dahil sa tao na iyon na naging “gf” niya ay mabilis na naka-move on ang guy. Nagtagal ang relasyon nila ng isang taon at matapos iyon ay muli na naman siyang iniwan ng babae. Sa pagkakataong ito ay hindi na talaga siya makaahon at lubhang nalugmok ang lalaki. Tanga na kung tanga ang pagkakalarawan sa kanya pero nanatili pa rin siya sa sitwasyong patuloy na nasisira ang buhay. Hindi naman tumitigil sa pagpapa-alala sa kanya ang kaibigan ko.

Nalaman na lang ng kaibigan ko na kaya pala siya nagkaganoon ay dahil sa bago mag-break ay may nangyari na sa guy at sa noon ay gf niya. Pinilit daw ng babae na makipag-sex sa guy at dahil sa first time iyon ng guy ay inakala niyang ang “act” na iyon ay para lang mas lalo pang mapagtibay ang relasyon nila, not knowing na matagal na pala iyong ginagawa ng babae. Ang ginawa lang pala nila ay for pleasure lamang para sa girl. Para lang matikman ang guy at para lang ma-sustain ang kanyang sexual desires ay nagawa niyang sirain ang nakakaawang buhay ng lalaki.

Dahil sa takot na baka mapagalitan ang lalaki ay nilihim na lang nila ito ng pinaka-close friend niya. Nalaman na lang ito ng kaibigan ko lately dahil sa sobrang na nga siyang naaawa sa kalagayan ng lalaki. Malaki ang tiwala niya sa guy pero sa nangyari ay labis niyang pinaghinayangan ang buhay nito. Nangyari na ang mga nangyari at pakiramdam niya ay hirap na siya na tulungan pa ang kaibigan.

Last minute ay napaisip ako na kung ako ang nasa kalagayan ng kaibigan ko, mas gugustuhin kong huwag na lang malaman ang tungkol sa bagay na ito. Sa tingin ko kasi ay kahit sobra na ang aking paalala ay sadyang hindi ako naging magaling na negotiator. I was never a good communication specialist and most specially, I have never been an effective friend. Sobra akong masasaktan kasi kahit anong sabihin ko ay hindi naman pala ako pinakikinggan gayong ako naman ang mas nakakakilala sa tao dahil ako ang nag-introduce sa kanya sa lugar na iyon.

Kaya kung mangyayari man iyon sa totoong buhay ko ay sana huwag ko na lang talaga malaman hindi dahil sa wala akong pakialam bagkus dahil sa ayokong masaktan ng dahil sa kaibigan. Bahala siya sa buhay niya pero sanakapag nagsalita ako bilang kaibigan niya ay makinig siya. Kung sakali man na nagkamali siya, huwag niya na lang sana sabihin sa akin iyon dahil ang labas noon ay hindi pala niya ako lubusang pinagkatiwalaan sa mga tinuran ko sa kanya.

Ganyan kasi ako magpahalaga sa mga tao lalo na kapag sinabi ko na ikaw ay aking ‘kaibigan’.

No comments:

Post a Comment