All
this time I have been preaching the idea of keep moving forward not realizing
that even past should be put into consideration sometimes. Pero bakit ganun?!
Masakit mang tanggapin ngunit ako’y naguguluhan sa sitwasyon ko ngayon.
Ilang
araw ko ng pinag-iisipan iyung mga nauna kong sinulat sa blog ko at nabanggit
ko doon ang ukol sa buhay-pag-ibig ko. Tatlong tao na umiikot sa puso ko. Ang
isa ay wala na talaga ngunit ang pangalawa ay bumabalik pa. Sabi sa akin ng
kaibigan ko ay tigilan ko na ang pag-iisip sa kanya at mag-focus na lang ako sa
bago. Pero paano kung sa bago ay wala pa akong masyadong balita samantalang,
minsan ay nakakasama ko iyung pangalawa at mas nakikilala ko pa siya. Masakit
tanggapin na iiwanan ko na talaga ang pagmamahal sa kanya dahil masama ang
magmahal ng dalawahan pero makakayanan ko ba talaga lalo na kung sa mga panahon
ngayon na ako ay malungkot ay napapasaya niya ang simpleng buhay ko?
Ang
masakit pa doon ay hindi ko magawang magsalita sa kanya ng kung anong
nararamdaman ko dahil masaya na siya sa katayuan niya ngayon at ayoko na baka
makagulo pa. Simpleng bagay sa iba na kung iisipin ay seryoso para sa akin
dahil sa mga ganitong oras ay gusto ko lang na maging masaya at naguguluhan ako
kung sino ba talaga sa kanilang dalawa.
Sana lumipas
na ang mga araw na ganito at magsimula na ang pasukan dahil paniguradong kapag
ako ay marami nang pinagkakaabalahan ay madalang na lang kung pumasok muli ito
sa aking isipan.
(-.-) HAY
NAKU!
No comments:
Post a Comment