August 22, 2012

Series of thoughts

(First published online on October 24, 2008)

After a month of being busy, at least muli na naman akong makakapag-post ng mga blog entries and to start, here are some of my ideas that sprouted from the two sides of my brain. Ngayon ko lang sila maipo-post sa internet kasi ngayon lang ako medyo na-free.

***

 “Isa tayong Mass Communication student at may mga bagay na sadyang wag man sabihin sa atin ng harap-harapan ay naiintindihan na natin dahil napag-aaralan natin ang bawat kinikilos ng mga taong nasa paligid.”

Mensahe yan sa akin at gusto ko lang gamitin ngayon. Okay, para saan nga ba? May mga bagay kasi na hindi sa akin sinasabi ng personal pero in one way or another ay nalalaman ko rin. Hindi totoong wala akong pakialam, nagkataon lang na ayaw mong magkwento kaya naman hindi kita pinakikinggan. Hindi rin naman ako ang taong magtatanong sa iyo dahil hindi ako atribida na mahilig maki-alam ng buhay ng may buhay. Pero alam mo naman na kapag nag-open ka, I’m more than willing to listen.

 ***

How does it feel to be misinterpreted?! Ganito:

1.
2.
3.
4.
5.

Now, wala talaga akong pakialam na kung iyung ibang mga tao ay hindi na ako direktang maintindihan as long as yung idea na sinusunod ko ay tama. Sa mga nakaka-misinterpret sa akin ay bahala na kayo. This is me and I never live just to please anybody.

 ***

Sana nga lang naiintindihan ng lahat na may mga bagay na wala naman talagang ibang pakahulugan pero bakit kailangang bigyan ng kulay. Ayoko ng magsalita pero minsan nakakainis na kasi. May mga tao kasi na harap-harapan na kung maka-bastos pero ang pangit ay hindi nila iyun naiintindihan na minsan sobrang mali na ang nagagawa nila.

Bobo ang tingin ko sa mga taong kung gustong magpatawa ay pababa kung titira. I believe in what my former professor had told me, we can laugh at jokes which were executed intellectually. Huwag sanang maging mababaw ang mga tao.

***

Production:

May umiyak, may tumawa.
May nagalit, nagkaroon ng kaaway.
Nagkaroon ng kampihan, may mga nang-iwan.
May napagod habang ang iba ay nagpahinga.
May napagalitan, may napagsabihan.
May nakakunot ang noo habang ang iba ay ay parang walang problema.
Meron mang nasaktan, dapat marunong magpatawad.
Dahil sa banding huli, tayo pa rin ay isang grupo
na may isang layunin na siyang manalo.

Note: I made this short poem while in the midst of the competition for the battle of the ads and ito ay na-group message ko sa mga ka-blockmates ko with a post-script saying, “mag-angas kung may karapatan pero kung wala, manahimik na lang,” nang walang direktang pinatatamaan. Nagulat na lang ako the next day dahil marami pala ang silently nag-react at natamaan. Ang nasabi ko na lang sa sarili ko ay bato-bato sa langit, ang tamaan, GUILTY. Hehehe.

***

There were certain things that need not to be so spoon-feed. Kailangan ng subliminal messages para mabigyan ng pagkakataon ang kabilang party para makapag-isip...

Ito ang attitude ko towards people at marami nga ang nagsasabi na kapag ako daw ang nagsalita, minsan, mahabang explanation or super matalinhaga na hindi na nila naiintindihan. Ang sagot ko naman ay hindi iyon para sa akin kung hindi para rin sa mga kinakausap ko na isiping mabuti kung ano man ang tinuturan sa kanila ng mga kausap nila.

***

Another lesson learned, huwag basta-basta maniniwala sa mga taong nasa paligid mo dahil ang mga inakala mong kaibigan, hindi mo lang alam kung kailan ka ilalaglag. May mga tao kasi na inakala mo kakampi mo, iyun pala ay iiputan ka rin sa ulo dahil madali silang bumigay sa ibang tao. Para lang din makasabay sa usapan ng iba ay magagawang ibunyag ang sinabi mong dapat ay nakatago lamang. Sayang at nasira ang pagkakakilala ko sa iyo. Walang sikretong hindi nabubunyag kaya kung may itinatago ka ay sarilinin mo na lang muna at balang araw ay lalabas din naman iyan.

 ***

Now, I don’t want to drop names not because I’m afraid of them but because, some of the topics were too delicate. Napakalawak din ng mundo na ginagalawan natin kaya sana naman ay walang maka-misinterpret sa mga tinuran ko. Kung sakaling natatamaan ka or may kakilala ka na posibleng pinatutunguhan ng mga mensahe ko, tandaan mong ako lang ang may karapatang magpatunay kung tama nga ang inaakala mo. In short, NEVER ASSUME.

No comments:

Post a Comment