He always sits on the black couch. He always smiles at other
people's jokes. There are moments when he will throw his own joke. However,
moment comes when he will just look into the thin air and silently observe what
is going on.
Sa labing-siyam na taon ng pamumuhay ay marahil nakasalamuha
na siya ng iba't-ibang tao. Merong pinakamataas o kagalang-galang at meron din
namang mahirap, na kung ilalarawan ay minsan hindi na kumakain sa loob ng isang
araw. Natutunan na niya kung paanong mamuhay ng napakasimple at naranasan na
rin niyang makihalubilo sa mga taong masasabing may kaya sa lipunan.
Simple lang ang gusto niya sa buhay. Ang maintindihan ng mga
tao kung ano talaga ang iisang ideya na tumatakbo sa isip at damdamin niya. May
pagkakataon na nagkakaiba kanyang isip at damdamin pero hangga't maaari ay
pinag-iisa niya ang mga ito.
There are times when he wishes to document through a
video-camera what he has been doing or saying so that if time requires him to
show what he did, he could simply click the 'play' button and automatically, he
can clean himself from the issues that surround him.
The less recognition your life has, the less opportunity of
being misinterpreted your ideas will be.
Isang maliit na pagkakamali ay grabe ang nagiging kapalit
pero sa buhay niya, ni minsan, di niya ninais na makagawa ng kahit anong
'honest mistake'.
Siya ay ang klase ng tao na may kakaibang paraan ng
pagbibiro. Bumabanat siya ng mga bagay na hindi kayang maabot ng isang
ordinaryong tao at iyon ay para lang tumaas ang 'confidence' niya. Ngunit sa
ganoong klase ng pagbibiro ay hindi pumasok sa isip niyang panindigan na ganoon
nga ang pagkatao niya. Simple lang siya pero may matayog na pangarap na gustong
abutin ngunit hindi sa paraang nakakasuklam.
Mayroon siyang angking kakayahan subalit kahit kailan, di
niya seryosong inisip na gamitin ito sa hindi wastong paraan. Nakakapagbiro
siya subalit hindi niya inisip na ito ay seryosohin dahil simula pa lang
pagkabata ay tinuruan na siyang manatiling nakatapak sa lupa.
Kung sakali ngang ihahalintulad siya sa isa sa mga tao na
nahulog sa kumunoy, marahil natulungan na niya ang iba pang mga tao pero iyung
mga tao na tinulungan niya ay wala man lang ginawa para maiahon siya sa
malambot na lupang kinasasadlakan niya.
Naging 'leader' na siya, maraming beses na, subalit sa
loob-loob niya, alam niya kung hanggang saan lang ang kakayahan niya. Inaalok
siya sa matataas na pwesto ngunit kung minsan ay tinatanggihan niya ito dahil
naniniwala siyang hindi porke't kaibigan mo o nagtitiwala sa iyo ang mga
nagluluklok sa posisyon ay tatanggapin mo na ang kung ano mang ibinibigay sa
iyo. Alam niya kung saan siya lulugar at buong puso niyang iniisip ang mga
bagay na magiging kapalit ng aksyon na gagawin niya. Ilang beses na rin siyang
nakatanggap ng mga papuri at parangal pero lahat ng iyon ay hindi niya
nilalagay sa isip niya para lang palabasin na sobra-sobra ang kagalingan niya.
Kapareho ring dahilan kaya nakakapagbiro siya sa sarili niya pero sa puso at
isipan niya ay alam niyang wala siya ni katiting na karapatan para ipagyabang
ang kung anong meron siya. At ngayong ganyan na ang mga nangyari, para tuloy
siyang nagdadalawang isip kung tatanggapin pa rin ba ang mga iaalok sa kanya o
mananatili na lang sa kung nasaan siya.
Mahirap... Para sa kanya, ang buhay ay isang laro lamang
kaya kung tutuusin ay panay ang biro niya, ang masakit ay nakikipagbiruan sa
kanya iyung mga tao na hindi pala alam kung paano siyang bumanat ng patawa. Sa
bandang huli, dahil sa suhol ng taong hindi siya talaga kilala sa mga taong
wala talagang ideya kung sino siya ay hindi na niya maililigtas ang sarili.
Masakit din na iyung tao na sobrang ispesyal ang turing niya, ay ang mga tao
rin pala na babaligtad sa kanya dahil sa suhol ng mga taong walang ideya sa
pagkatao niya.
Mortal lang din siya at hindi perpekto kaya nagkakamali rin
siya, pero sa bawat pagkakamali niya na alam niyang mali siya talaga ay buong
puso siyang humihingi ng tawad hindi para iligtas ang sarili niya kung hindi
para maging maayos muli ang pakiramdam ng taong nasaktan niya.
Marami pa rin naman ang nagtitiwala sa kanya, (isa ako sa
mga taong iyon) subalit hindi niya alam kung paanong makikisalamuha sa iba nang
walang iniisip na dungis patungkol sa kanya. Mahirap ring linisin ang mantsang
nakuha niya ng hindi inaasahan. At ngayong nasaktan siya, hindi niya na alam
kung paanong kahaharapin iyung mga ispesyal na taong nakasakit sa kanya, kung
mananatili pa rin ba ang pagtitiwala niya o ibabaling niya na lang ito sa mga
taong mas karapat-dapat sa pagtinging 'special'.
Quitting doesn't mean that you lose but it's only a
realization that you have to accept and let go of things which you think are
unfair. Does he really have to move away, or stick where he used to be and just
let his fate to vindicate him?
Sobrang buti niyang kaibigan, minsan nga ay nasasaktan na
siya pero dahil sa katagang 'kaibigan' ay inaalis niya ang sakit na
nararamdaman niya. Sobra din siyang magmahal at magtiwala kaya kapag nasaktan
siya ay tagos-tagusan ang nadarama niya. Hindi siya nagpapaapekto sa iba
pagdating sa kaaway pwera na lang kung isa rin siya sa mga idinadamay. Mabait
na kaibigan ngunit nakakatakot na kaaway pero kung mabuti ang tao at walang
dahilan para awayin ay ipaglalaban niya iyung tao na iyon kahit kanino mang
bumabanat sa kanya.
Ganoon siya magmahal at magtiwala ngunit nagdadalawang isip
siya kung naging tama lang ba ang mga paraan niya. Nagtatanong siya kung naging
maayos lang ba ang pagpapatakbo niya sa buhay niya o kung kailangan niyang
umisip ng 'move' na sa loob-loob niya ay masakit tanggapin pero maililigtas
naman ang sarili niya. Dapat pa rin ba siyang manatili sa kung anong 'attitude'
meron siya o oras na para maging selfish at isipin naman ang sarili niya.
Ang sagot ko ay ‘hindi ko alam’ pero nasa isip ko ang
konseptong binigay ng aming propesor na: in reality, you always have to look
after yourself for you don't know who will gonna back-stab you. There are
moments that you have to be cruel for in reality, a dog is a dog.
However,
never disregard ‘yin-yang’ or the balance between good and evil and just let
things unfold. God has a very good purpose on letting these difficulties for
him to pass through and at the end; new dawn will surely give light to the once
‘darker’ part of his life.
No comments:
Post a Comment