Adamsonian ako. Proud na Mass
Communication graduate ng Batch 2010. Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba
pero kapag galing na sa loob ang naninira eh hindi ako mangingimi na huwag
magsalita.
For the past few days eh ang dami
kong nalalaman at ang masakit eh yung iba pang tao na inaasahan ko ring
magtanggol sa pinakamamahal kong pamantasan eh siya pang nangunguna para
ipagtabuyan ito.
Hindi ako magbibitaw ng pangalan.
Alam kong matalino itong tao na ito pero lang ang masasabi ko; wala siyang
kwenta kung hindi magbabago ang paniniwala niya.
Walang perpektong paaralan pero
may mga taong pwedeng gawing perpekto ang pananatili mo kung nasaan ka man
naka-enrol.
Alam ko na kahit yung numero
unong pamantasan sa Pilipinas eh may niluluwal din na bulok na propesyonal. Ang
sikreto sa buhay pag-aaral ay kung paano mo gagawing memorable ang stay mo na
kapag naka-graduate ka na eh mayroon kang isang tahanan na hindi malilimutang
balikan.
Marahil maganda nga ang patakaran
sa iba at may angking kabulukan ang Adamson University pero walang karapatan
ang kahit sino para sira-siraan ito sa buong mundo.
Huwag mo na isipin na ikaw ang
diyos o martir na makakaresolba sa problema ng buong pamantasan dahil may
kakilala akong school administrator na nagsasabing mahirap talaga magpatakbo ng
isang paraalan kahit na maliit lang ito, lalo pa yung isang malaking pamantasan
na may mahigit na labinlimang libong estudyante. Kaya bigyan dapat ng credits
ang mga opisyal at guro dahil sa mundo eh tuldok lang tayo. Marahil eh mas
maliit pa nga tayo sa tuldok.
Isang bagay na lalong nagpainit
ng ulo ko eh nung marinig ko na itong taong ito ay way ahead those cum laude’s and other honors dahil hindi
na daw niya kailangan yun para ipagmalaki kung gaano siya katalino.
Well, hindi porke’t marami kang
nababasang libro, nakapagtrabaho ka na ng part-time, marami kang kilalang
author at philosophers, at marami ka nang napanood na pelikula eh may malaking
kwenta ka na. Ang talino ay hindi binubuo ng mga nabanggit ko lamang. Isang
parte nga lang ata iyun sa tinatawag na multiple intelligence.
Una, grumaduate ka muna at
makipagsabayan sa mga propesyonal. Kung ayaw mong grumaduate eh gumawa ka muna
ng pangalan na tatalingkin sa buong mundo bago ka magsalita ng mga
pinaniniwalaan mo dahil ngayon eh hindi ka pa ‘credible’ o ‘reliable’.
Finally, lahat ng tao ay may
choice. Ikaw ay pwedeng pumili na umalis at maghanap ng bagong paaralan na
ikatutuwa mo o manatili sa kung nasaan ka at ipagsigawan ang posibleng
napakaraming bagay na dala nito.
Actually, it hurts, but with this
kind of philosophy being held by some students, I’m no longer wondering why
some graduates nowadays are slowly becoming nonsense and useless.
I just wish that they be more
bold to take more risky steps and stop complaining because if they will
continue on bickering issues that in the first place require only minimal
attention then, I’ll be one of those people who will wish for this world to
end.
No comments:
Post a Comment