August 28, 2016

A Conversation with Manong Dennis

It was quarter to eleven in the evening and I found myself contemplating inside a Mitsubishi Mirage while on my way home. How was my day? What would be my plan for the following day? Did I have enough budget for the coming days?

“Malate po ang punta natin, noh? Papasok pa lang po ba kayo sa work?”

“Hindi kuya, pauwi na po, pauwi pa lang po,” I responded, as we traversed the long Aurora Boulevard on a rainy Friday evening. 

I was on a GrabCar. This has been my frequent commute ever since the travel mobile application boomed, along with Uber. The ride is faster than my original way, hassle-free, and I get the chance to converse with a total stranger and exchange late night ideas about our lives. Learning a lesson from their rich experiences is a plus.

“Ang layo po ng inuuwian niyo at Maynila pa,” said Manong Dennis, my hired driver and companion that night. “Kung sabagay, noong kabataan ko rin eh ganyan din ang sitwasyon ko. Malayo rin ang inuuwian ko, maihatid lang ang girlfriend ko.”

I just smiled. I was listening to him, while sending a good night message to my girl.

Manong Dennis, a 39-year old car owner and recently hired GrabCar driver, is originally from Cotabato in Mindanao, before migrating here in Manila. He first met his then girlfriend, who was hailed from Nueva Vizcaya, during his stay in the metro. They had been on and off for nine years before finally breaking up, after the girl decided to work and live outside the Philippines.

Manong Dennis could not take a long distance affair. After nine years of serious relationship, both of them gave up. But before they parted ways, Manong Dennis shared his memories with his previous girlfriend.

“Mula noong nagliligawan pa lang kami hanggang sa maging kami na eh lagi kami magkasama. Hindi kami magka-work pero palagi ko siyang sinusundo. Dito ako noon sa Muñoz (Quezon City) naka-board at nagta-trabaho, samantalang siya ay sa Makati,” said Manong Dennis.

“Noon eh hindi pa uso ang katulad nitong mga GrabCar at Uber, kaya commute ang labanan. Kung iisipin mo namang mag-taxi eh madalas tumatanggi o hindi na sila pumpayag dahil sa layo. So, pahirapan talaga noon. Pero kailangan magtiis.

“Oo nga po, buti na lang at may ganitong mobile app na. Hindi na pahirapan ang bumyahe,” I responded.

“Noon eh kikitain ko siya after work. Kakain kami sa labas at ihahatid din siya sa bahay nila. Tapos babyahe ulit ako pabalik sa Muñoz. Ganoon ang naging buhay ko for nine years na magka-relasyon kami. Pero wala naman akong pinagsisisihan. Masaya naman ako sa ginagawa ko noon, kahit pa parang kung iisipin mo ngayon eh ang hirap ng sitwasyon namin,” shared Manong Dennis.

“Oo nga po, dulo sa dulo ang byahe niyo, kaya rin po siguro nasanay na kayo sa daan dito sa Metro Manila.”

“Ah oo, medyo nakabisado ko na nga ang pasikot-sikot dito, pero malaking tulong pa rin si Waze lalo na’t may mga pick up points na streets or condominiums na talagang bago ko lang narinig at nalaman,” Manong Dennis responded.

We were half way through as he continued with his love story.

“Pero ngayon eh may asawa na ako at dalawang anak. Buti nga sa Manila ka dahil after kitang maihatid eh susunduin ko naman ang asawa ko sa Buendia at sabay na kaming uuwi sa Rizal. Ang layo pa ng uuwian namin pero okay lang, titiisin mo naman ang hirap at pagod para sa mga mahal mo.

“Bukas nga eh baka hindi na muna ako siguro bumyahe dahil papanoorin ko ang anak ko at may performance daw sa school. Sasayaw daw siya at full support naman kami,” Manong Dennis excitedly shared. “Five years old na ang panganay ko at nag-aaral na sa kinder. Ang bunso ko naman ay one year old pa lang at inaalagaan ng yaya, dahil kailangan naming mag-asawa na kumayod at magtrabaho para sa future nila.

“Siguro ganito naman talaga tayo noh, kapag nagmamahal?”

“Ah opo, kung talagang mahal natin eh gagawin natin ang lahat. Sila na kasi ang buhay natin eh,” I responded.

“Ikaw ba, may plano ka na ba?”

“Sa totoo lang po eh wala pa. Kailangan munang mag-ipon at i-enjoy kung ano muna ang nangyayari sa amin ngayon.”

“Tama ka naman dyan. Pero pag-isipan mo rin, katulad ko. Matanda na ako nag-asawa kaya ang panganay ko, kapag nag-debut eh mahigit 50 years old na ako. May hinahanap ka pa ba?”

“Wala na po siguro. Kapag naman po kasi nagmahal tayo eh natututo na rin tayong makuntento. Ang dami nating naiintindihan at mayroon din tayong mga paniniwala na binabago.”

“Oo nga. Tapos gagawin natin ang lahat, hindi para maging masaya tayo kundi para maging masaya sila, dahil ang kasiyahan nila eh kasiyahan na rin natin.”

“Malapit na po pala akong bumaba. Sa unang stoplight po dyan pagkatawid natin ay mag-u turn po kayo.”

“Dito na po ba? Sige po, i-stop trip ko na. Mabuhay tayong mga romantiko. Pagpalain nawa kayo,” said Manong Dennis, as we arrived in our destination.


“Salamat po,” I bid him goodbye, as I alighted from his car.

No comments:

Post a Comment