"Minsan akong nangarap ng
mga matataas na bagay na alam ko at inakala kong makabubuti para sa akin. Ngunit nagkamali ako, akala lang pala ang lahat.
"Nilapitan ko siya, mahirap subalit nagawa ko naman. Sa pagpasok ko sa
kanyang kalooban ay akala ko naintindihan ko na yung kalakaran niya. Ngunit
akala ko lang yun, hindi pala totoo.
"Lagi ko siyang iniisip at pinahahalagahan hanggang dumating sa puntong
siya na lang halos ang nakikita ng mga mata ko. May mga oras na halos pati
sarili ko ay buong puso kong inalay sa kanya sa pagtitiwalang ganoon din siya
sa akin ngunit napagtanto kong ganoon pala talaga ang turing niya sa iba. Hindi
pala ako ispesyal, yun ay ang kanyang natural.
"Sa maling pag-aakala, ako ay natuto. Mga dating gawi, bigla kong binago.
Mahirap man subalit dapat kayanin, pasasaan pa't may umaga din namang darating.
"Lumipas ang mga araw na halos mapagtagumpayan kong lumayo sa kanyan
piling. Itinuon ko ang aking pansin sa ibang layunin. Nagawa ko subalit tila
isang ningas kugon ang nangyari. Sa simula'y nakayanan ko pero nang magtagal,
ako ay sumuko. Mahirap siyang iwanan at mukhang hindi ko iyon makakayanan.
"Isang multo ng kahapon ang sa akin ay nanunumbalik. Ang pakiramdam ay mas
masakit ngayon at ako'y umaasa na sana ito'y lumipas na rin. Gusto kong sa iyo
ay muling mapalapit nang tama ay hindi maging mali."
– Ana Nimus –
begv. says:
hey,
it's part of the politics, right?!
No comments:
Post a Comment